Manila, Philippines – Nagbanta ang Malacañang na ipapaaresto ang mga nagbibigay ng pondo sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA)
Ito ay matapos pormal nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang CPP-NPA bilang teroristang grupo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – malinaw na nakapaloob sa Human Security Act at sa United Nations Security Council (UNSC) na ipinagbabawal ang pagbibigay ng pondo sa mga terrorist organizations.
Kasunod ng proklamasyon ni Pangulong Duterte, sinabi ni Roque na may kapangyarihan na ang mga Law Enforcement Agencies para habulin at arestuhin ang mga CPP-NPA financiers.
Facebook Comments