Manila, Philippines – Nababahala ang grupo ng mga kabataan sa naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga estudyante ng University of the Philippines.
Kasunod na rin ito ng pagsali ng ilang estudyante ng UP para dumalo sa National Day of Walkout and Protest for Democracy.
Sa interview ng RMN, binigyan diin ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na bilang iskolar ng bayan, ipinarating lamang ng mga estudyante sa publiko ang mahahalagang usapin ng lipunan.
Kahapon sa pagdalo sa Indigenous Peoples (IPS) Leaders’ Summit sa Davao City, nagbanta si Pangulong Duterte na ibibigay niya ang ‘slots’ ng mga estudyanteng nagkilos protesta sa mga lumads.
Pero, banat ni Elago, tila hindi na rin libre ang edukasyon sa UP dahil sa dami ng binabayaran.
BINANTAAN NG PANGULO | Grupo ng mga kabataan, nababahala sa bantang pagpapatalsik sa mga iskolar ng bayan na nagsasagawa ng kilos protesta
Facebook Comments