BINARIL ANG SARILI │Pagpapakamatay ng guwardiya, sapul sa CCTV

Manila, Philippines – Patay ang isang guwardiya matapos magbaril sa sarili sa binabantayang gusali Timog Ave. Brgy. Sacred Heart QC alas-otso trenta kagabi.

Dead on the spot si Mark Joseph Pia, 23 yrs. old residente ng San Joaquin Pasig City.

Ayon sa imbetigador ng QCPD station 10 ,sa dibdib ang tama ni Joseph at tumagos pa ang bala hanggang sa kanyang likod.


Makikita sa kuha ng CCTV na halos isang minuto na naglaban o bawi si Joseph kung itutuloy ba ang pag papakamatay.

Tinututok nito ang baril sa dibdib biglang aalisin at lilingon sa paligid.

Ganun ang naging sitwasyon hanggang matapos ang halos isang minutong pag iisip natuloy na ang pagbaril sa sarili.

Alam na ng pamilya ang nasabing insidente pero hindi pa matukoy kung bakit nagawa magpakamatay ng guwardya.

Facebook Comments