BINARIL | Lalaking nagnakaw ng bakal sa ginagawang skyway, patay matapos mabaril ng gwardya

Manila, Philippines – Namatay na ang lalaking binaril ng isang guwardiya matapos itong mahuling nagnakaw ng mga bakal sa ginagawang skyway sa Osmeña Highway sa Maynila.

Sa ulat, nabigo ang mga doktor sa St. Clare’s Medical Center sa makati na isalba ang buhay ni Julvin Espinosa na may tama ng bala sa sikmura.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Station 6, sinubukan daw saksakin ni Espinosa ang guwardiyang si Reynaldo Batersal nang magkainitan sila sa pagnanakaw ng bakal.


Taliwas naman ito sa kwento ng saksing si Edgar Manila, isang traffic enforcer dahil hindi raw niya nakitang nanlaban o nagnakaw ng bakal si Espinosa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan tumanggi ang Asian Security and Investigation Agency na magbigay ng pahayag hinggil sa kinasasangkutan ng kanilang guwardiya.

Facebook Comments