Binaril na pulis sa EDSA connecticut kahapon dating nasa drug watchlist  ng Pangulong Duterte ayon sa PNP

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na dating kabilang sa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis na binaril kahapon sa bahagi ng EDSA Connecticut sa San Juan City.

Pero patuloy pa aniya ang kanilang imbestigasyon sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay na nakatalaga sa National Capital Region Police Office upang matukoy kung may kinalaman sa pagiging dating nasa drug watchlist ng pangulong ang dahilan ng pagpatay rito.

Hanggang wala pa aniyang resulta sa imbestigasyon ay hindi nila ikokonek sa droga ang pagpatay sa pulis lalot ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Guillermo Eleazar ay naialis na o nalinis na ang pangalan nito sa umanoy sangkot sa droga.


Maari aniyang may nasagasaan o dating kakumptensya ng  pulis ang pumatay o nagpapatay rito.

Matatandaang dakong alas-3:30 ng hapon kahapon habang sakay ng kanyang motorsiklo ang pulis ay nilapitan  ito ng suspek na nakamotorsiklo rin sa may bahagi ng EDSA connecticut.

Dead on the spot ang pulis matapos magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Facebook Comments