BINARIL SA ULO | Tricycle driver, patay sa Tondo

Tondo, Maynila – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo sa gate 56, Parola compound sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Gilbert Pasuelo, 31-anyos na nagawa pang maisugod sa ospital pero namatay din habang ginagamot.

Sa ulat, may isang residente ang nakakita sa krimen kaya’t natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.


Sinasabing dating boyfriend ng kinasama ng biktima ang nasa likod ng pamamaril kung saan inaalam pa ng pulisya kung love triangle ang motibo sa pagpatay.

Patuloy naman tinutugis ngayon ng pulisya ang hindi na pinangalanang suspek.

Facebook Comments