BINASURA | Associate Justice De Castro, inabswelto ng SC sa kasong administratibo na isinampa ng grupong FATE

Manila, Philippines – Binasura ng Supreme Court en banc ang kasong administratibo na isinampa ng grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment o FATE laban kay Associate Justice Teresita Leonardo De Castro.

Sa unanimous na boto ng mga mahistrado ng Korte Suprema, iginiit nila na walang sapat na merito sa reklamo laban kay De Castro.

Hindi naman lumahok sa botohan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Nag-ugat ang ethics complaint laban kay Justice De Castro nang labagin daw nito ang confidentiality rule ng Supreme Court nang humarap ito sa Sereno impeachment hearing sa Kamara.

Partikular ang Rules 9 at 10 ng SC Internal Rules at Section 9, Canon 4 ng New Code of Judicial Conduct na tumutukoy sa confidentiality ng mga impormasyon mula sa SC.

Una nang humarap sa House Justice Committee si De Castro matapos mabanggit ang pangalan nito ng complainant na si Atty. Larry Gadon na sinasabing pinanggalingan ng mga impormasyon ni Manila Times Reporter Jomar Canlas hinggil sa kaso ng Senior Citizen Partylist group kaugnay sa nangyaring deliberasyon sa loob ng Supreme Court En Banc noong May 2013.

Facebook Comments