Manila, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang Motion for Reconsideration ng mga human rights victims sa ilalim ng rehimeng Marcos na ipatupad ang desisyon ng United States court na bayaran sila ng dalawang bilyong dolyar na danyos.
Sa tatlong (3) pahinang desisyon na inilabas ni Court of Appeals Associate Justice Normandi Pizzaro, hindi maaaring ipatupad sa Pilipinas ang pasya dahil sa kabiguan ng Hawaii court na bigyang pagkakataon ang mga hindi pa tukoy na mga claimant.
Noong February 3, 1995, ipinag-utos ng US district court sa Hawaii ang kabayaran sa claimants para sa class suit na inihain nina dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales at direktor ng pelikula na si Joel Lamangan sa ngalan ng 10,000 claimants.
Ang desisyon ng CA ay alinsunod na din ng pagpapatibay sa naunang pasya ng Makati Regional Trial Court (RTC) na nagsasaad na hindi maaaring pairalin sa Pilipinas ang Hawaii court judgement dahil sa kawalan ng hurisdiksyon at paglabag sa due process.
Maliban dito, sinabi sa resolusyon, “constitutionally infirm” ang desisyon ng US court dahil ibang batas ang ginamit na batayan ng desisyon nito.