BINASURA | Pagkuha ng out-of-court testimony kay Mary Jane Veloso, binasura ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang pagpayag ng hukuman sa Nueva Ecija na makunan ng deposition o out-of-court testimony si Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nahatulan ng death penalty sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Ang deposition ay gagamitin sa kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga recruiter ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na kapwa nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment.

Iginiit ng CA na ang pagtatanong sa isang testigo ay dapat na gawin sa harap ng hukom sa korte base na rin sa itinatakda ng Konstitusyon.


Ayon sa Court of Appeals, may karapatan ang akusado na personal na makita ang mga testigo laban sa kanya.

Labag din anila sa karapatan ng akusado na harapang makompronta ang testigo laban sa kanya.

Facebook Comments