Binata, Arestado dahil sa Iligal na Droga!

136

*Reina Mercedes, Isabela**- *Natimbog ang isang lalaki sa inilatag na drug buy bust operation ng mga kasapi ng PNP Reina Mercedes partikular sa isang resort sa Brgy. Villador, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Josephus Eusebio, 33 anyos, binata, at residente ng Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ni Eusebio ang isang sachet ng hinihinalang shabu, tatlong nakarolyo na aluminum foil, dalawang lighter at isang limang daang piso na buy bust money.


Dinala na sa Reina Mercedes Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments