Binata, Arestado matapos Magnakaw ng Apat na Pirasong Palaman

40

*Cauayan City, Isabela*- Huli ang isang lalaki matapos tangayin ang apat (4) na piraso ng biscuit spread sa loob ng isang kilala grocery store pasado 1:00 ng hapon kanina sa Centro 7, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Nonoy Ahon, 29 anyos, isang out-of-school-youth na residente ng Brgy. Sapa, Tangos, Navotas City, Metro Manila.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, naaktuhan ang suspek na akmang tatangayin ang apat (4) na Lotus Biscoff Biscuit Spread kaya’t hinarang ito ng mga gwardiya na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.

Naiturn-over na sa pamunuan ng Savemore Tuguegarao ang ninakaw na biscuit spread habang sasampahan ito ng kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments