BINATA, ARESTADO MATAPOS PUMASOK SA ISANG BAHAY SA BINMALEY

Isang 20-anyos na lalaki ang inaresto matapos pasukin ang bahay ng magkaibang residente sa Binmaley, Pangasinan, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, ang suspek, isang fishpond caretaker mula San Fabian na pansamantalang naninirahan sa Binmaley, ay pumasok sa bahay ng mga biktima nang walang pahintulot, habang nakahubad at may dalang air gun.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga biktima sa Barangay ang insidente, kaya’t tumawag ang opisyal ng barangay sa pulisya.

Na-recover mula sa suspek ang isang air gun.

Dinala ang suspek sa ospital para sa medikal na pagsusuri bago inilipat sa Binmaley MPS para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments