Binata, arestado matapos tadyakan ang 84-anyos lola

Handcuffs

Dinakip ang isang 18-anyos na lalaki matapos sipain sa dibdib ang kanyang 84-anyos na lola.

Nagalit umano si Daniel Mutambala sa matanda na nawalan ng malay pagkatapos sipain ng apo sa kanilang bahay sa Utah, US, ayon sa ulat ng KUTV nitong Marso 2.

Dumating ang pulisya sa bahay upang arestuhin si Mutambala ngunit pumalag daw ito at pumormang makikipag-away, dahilan upang gamitan ng awtoridad ng stun gun.


Dinala sa Salt Lake County Jail ang binata na iniimbestigahan sa mga kasong aggravated abuse of a disabled or elderly adult, second-degree felony, at interference with an arresting officer.

Samantala, nakaranas naman ng hirap sa paghinga ang lola nang magising.

Hindi pa tukoy ang kasalukuyang sitwasyon ng matanda na dinala noon sa malapit na ospital.

Facebook Comments