BINATA ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Nasa pangangalaga na ng kapulisan ang isang bente-sais anyos na binata matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito.
Ang suspek ay nakilalang si Ryad Anselmo, residente ng Brgy Dos ng nasabing lungsod.
Ikinasa ang buy bust operation laban dito sa mismong barangay nila na nagresulta sa pagkumpiska ng isang sachet mg hinihinalang shabu, at tumitimbang ng 0.2 grams na nagkakahalaga naman ng mahigit isang libong piso.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso. |ifmnews
Facebook Comments