Binata, Arestado sa Kasong Frustrated Murder!

31

Cauayan City – Nadakip ang isang binata matapos isilbi ng otoridad ang Warrant of Arrest nito sa kasong tangkang pagpatay pasado alas 5:40 ng hapon kanina sa Purok 3, Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Jimboy Dumelod alyas “Jote”, 18 anyos, at residente ng nasabing lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP, arestado si Dumelod sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Reymundo L Aumentado ng RTC Branch 20 – Cauayan City, Isabela.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ito ng piyansang dalawang daang libong piso.

Sa ngayon ang akusado ay nasa himpilan na ng kapulisan ng PNP Cauayan para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments

From Advertisers