Binata, Arestado sa kasong Qualified Theft sa Bayan ng Tumauini

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata na Top 8 Municipal Level sa kasong Qualified Theft matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito pasado 1:00 ng hapon kanina sa Brgy. Balug, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jhonvey Gardon, 24 anyos, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tumauini, inaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto nito matrapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Br. 22 Cabagan, Isabela na may petsang Octubre 15, 2019 para sa nasabing kaso sa ilalim ng Criminal Case No. 22-4072.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakpaglagak ng piyansa na nagkakahalagang (40,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisana si Gardon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments