Binata, Arestado sa Roxas, Isabela!

155

*Roxas, Isabela* – Arestado ang isang lalaki sa kasong illegal possession of firearms matapos isilbi ng PNP Roxas ang Search Warrant kahapon pasado alas dos singkwentay-singko (2:55pm) sa Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Jackson Susa, 45 anyos, binata, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.


Narekober sa pagiingat ni Susa ang isang (1) ARMSCOR Cal. 45 pistol bearing SN 11188801, tatlong (3) magazines at dalawampung (20) piraso ng bala kasama ang cleaning kit at holster.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kamay ng mga otoridad para harapin ang kaso nito. matapos ang pagsisilbi ng search warrant.

Facebook Comments