Binata at Isang Menor de Edad, Sugatan Matapos Mabangga ng Van!

*Naguilian, Isabela- *Sugatan ang dalawang kalalakihan na kinabibilangan ng isang menor de edad na estudyante matapos tumbukin ng kasunod na Van sa brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Rafael Cenit Ballad, disi otso anyos, isang helper at residente ng Gangalan, San Mariano, Isabela at isang kinsi anyos na estudyante na si John Rey Azania Domingo, residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela habang ang suspek naman na bumangga sa mga biktima ay si Robert Mejia, kwarenta’y otso anyos at residente naman ng brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, parehong binabaybay ng mga biktima at ng suspek ang national highway sa brgy San Manuel at ng lumiko umano si Rafael lulan ang kanyang minamanehong kulong-kulong ay biglang naabutan at natumbok ng sumusunod na minamanehong van ni Robert.


Sa lakas na impak ng banggaan ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan sina Rafael at John Rey habang ang kanilang sinakyang kolong-kolong naman ay malalang nasira sa hindi pa malamang halaga.

Sa ngayon ay iniimbistigahan pa ng PNP Naguilian ang naturang insidente.

Tags; dwkd985cauayan, rmn cauayan, Luzon, isabela, cauayan city, Naguilian, pnp naguilian

Facebook Comments