Binata binaril patay sa bayan ng Alamada North Cotabayo

Patay ang isang binata ng ito ay pagbabarilin sa bayan ng Alamada sa North Cotabato kahapon. Kinilala ang biktima na si Chito Calambro , 33 anyos ,binata residente ng sitio Badac, Barangay Dado sa bayan ng Alamada.
Sa report ng Alamada Pnp nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan na kinilalang si Inday Cuizon at dito na siya nabaril ng hindi nakikilalang suspek gamit ang pinaniniwalaang 12 gauge shotgun . Tinàmaan ang biktima sa kanyang dibdib at panga na naging sanhi agarang nitong kamatayan. Patuloy pa ring iniimbetigahan ng Alamada Pnp ang insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments