Binata, Binaril sa Ulo habang Nag-iinuman

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na nagpapagaling sa isang pagamutan ang isang binata matapos itong barilin sa ulo sa harap mismo ng kanyang mga kapatid habang nag iinuman ang mga ito sa isang tindahan kaninang madaling araw sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Carlos Aguiatan, 34 anyos, binata, isang delivery boy habang nakilala ang suspek na si Elmer Mmaclay, 54 anyos, walang asawa at kapwa residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Santiago, habang nag iinuman ang mga ito ay ilang sandali pa ng mapikon umano ang suspek sa di matukoy na dahilan kaya’t agad na bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang biktima habang agad itong tumakas matapos ang pamamaril.


Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre 45.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation laban sa suspek.

Facebook Comments