Binata, hinuli matapos gahasain ang 77-anyos na lola sa Iloilo City

Inaresto ang isang 18-anyos na lalaki matapos nitong gahasain ang isang 77-anyos na lola sa Concepcion, Iloilo noong Lunes, Nob.25.

Ayon sa ulat, nilooban umano ng suspek na kinilalang si John Rey Clamares ang bahay ng biktima saka hinampas ng matigas na bagay noong araw na mangyari ang krimen.

Nahuli ang lalaki matapos nitong maiwan ang kanyang tsinelas sa bahay ng matanda, ayon sa dalawang saksi.


Lumalabas rin sa imbestigasyon na madaling araw pumasok ang suspek para gahasain ang lola.

Samantala, kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital kung saan nakita ang mga tinamo nitong kagat sa ibang parte ng kanyang katawan at sugat sa pribadong bahagi at ulo ng babae.

Humaharap naman sa kasong rape at frustrated murder ang suspek.

Facebook Comments