Binata, Huli sa Buy Bust Operation!

*Cabagan, Isabela- *Arestado ang isang binata matapos matiklo sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Edimar Quirod, 24 anyos, hollow block maker at residente ng Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, matagumpay na naaresto si Quirod matapos magpositibo sa isinagawang transakyon ng mga otoridad kung saan nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at isang libong piso na buy bust money.


Dinala na sa Cabagan Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments