Binata, Huli sa ikinasang Drug Operation ng mga Otoridad

70

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad bandang 1:00 ng hapon sa Brgy. Sta. Barbara, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Kelvin Aggari, 19 anyos, at residente ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela


Batay sa imbestigasyon ng PNP Ilagan, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP Ilagan at PDEA Region 2 na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nakumpiska sa pag iingat ng binata ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa papel at ilang pera na may kabuuang 300 pesos na buy bust money, bala ng baril ng kalibre 38 at cellphone na pinaniniwalaang gamit sa transakyon ng suspek.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments