Binata, Huli sa Pagbebenta ng Droga!

239

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang binata matapos na mahuli sa pagbebenta ng droga sa Brgy. Callao, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jhezreel Mangalos, 20 anyos, walang asawa, isang helper at residente ng Brgy. Callao, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip si Mangalos matapos itong kumagat sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad kung saan ay nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek ang isang pulis na nagpanggap na bumibili sa halagang limang daang piso (P500.00).

Ang mga nakumpiskang item at ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments