Inamin ng isang binata noong Biyernes, Disyembre 6, ang pagtulak sa isang 6-anyos na bata mula ika-10 palapag ng gusali sa London, na muntik nang ikamatay ng paslit.
Napatunayang guilty si Jonty Bravery, 18, sa naturang krimen habang nasa London’s Tate Modern gallery ang bata noong Agosto 4.
Dumalo sa paglilitis sa Old Bailey criminal couthouse noong Biyernes ng hapon si Bravery para sagutin ang paratang sa kanya at saka idinala sa kostudiya ng korte bago masintensyahan.
Hindi pa rin malinaw kung bakit itinulak ng suspek ang paslit na mistulang hindi niya naman kakilala.
Ayon sa ulat, nang mangyari ang insidente, nahulog sa ika-5 palapag ng gusali ang bata at nagtamo ng bali sa buto at pagdurugo ng ulo.
Idinala sa ospital ang biktima at nanatili roon ng ilang buwan hanggang sa makarekober.
Kasalukuyan namang nagpapagaling ang bata sa kanilang tahanan sa France at ngayon ay may kakayahan na uling malakad ayon sa mga kaanak nito.