BINATA, KULONG MATAPOS MAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO

Cauayan City – Hindi lamang isa, kundi tatlong magkakaibang kaso ang kinakaharap ng isang binata mula sa lalawigan ng Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si Alyas “CJ”, 21 anyos, residente ng Brgy. Mapitac, Sto. Niño, Cagayan, at itinuturing bilang ikalawa sa listahan ng Most Wanted Persons sa lalawigan ng Cagayan.

Nadakip si alyas “CJ” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dahil sa kasong panggagahasa, ito ay sa ilalim ng R.A 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, na parehong walang inirekomendang piyansa, kabilang dito ang paglabag sa RA 10175 na mayroon namang piyansang P72,000.


Matapos ang tagumpay na pagkakadakip, kaagad na dinala sa Piat Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments