Binata, Kulong sa Pagnanakaw sa Isang Cellphone Shop!

114

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata matapos maaktuhan na nagnanakaw sa isang kainan at cellphone shop sa loob ng Public market ng Alicia, Isabela.

Ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa lock up cell ng PNP Alicia ay nakilakang si Albert Guerero, 18 taong gulang, tubong Balita, Victoria, Laguna at pansamantalang naninirahan sa brgy Daligan, Jones, Isabela.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Alicia, dakong alas 1:45 kaninang madaling araw nang makatanggap ng tawag ang may ari ng kainan at cellphone shop na si Mrs Marivic Catorna, 57 taong gulang mula sa kanyang kapatid na si Manuel Catorna na may taong nakapasok sa kanilang pwesto.

Dahil dito, Agad na tumawag si Catorna sa mga pulis at sa pag responde ng kapulisan, naaktuhan ang suspek sa loob at sinikap pang magtago sa likod ng refrigerator.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sling bag, apat na power bank at iba pang gamit na nagkakahalaga sa mahigit apat na libong piso.

Nakatakda ngayong sampahan ang suspek sa pamamagitan ng inquest proceeding.




Facebook Comments