Binata na Graduating Student, Timbog sa Drug Buy-Bust Operation

113

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang isang binata na graduating student sa kursong Marketing sa Isabela State University- Echague Campus matapos ikasa ang buy-bust operation sa Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jessie Cris Gapo, 28 anyos at residente ng Brgy. Castillo, Echague, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Alicia, dinakip ang binata matapos makatanggap ang pulisya na patuloy itong nagtutulak ng iligal na droga na agad namang ikinasa ang drug operation laban dito at nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at napagbentahan ng suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ang P500.00 na buy bust money.

Nakumpiska naman sa pag iingat ng suspek ang dalawa pang pakete ng shabu at cellphone na ginagamit nito sa iligal na transaksyon.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, taong 2016 ng magkaroon ng kaparehong kaso ang binata at nakalaya lamang nitong 2018.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments