Binata na kabilang sa PDEA Target Drug Personality, Timbog

381

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PDEA region 2 at PNP Ilagan City bandang 9:55 sa isang subdivision sa Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rexcelvon Mendieta alyas ‘BonBon’, 27-anyos, walang legal na trabaho at residente sa nasabing lugar.


Nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng hinininalang shabu na tumitimbang ng 0.5 grams habang nakumpiska rin sa bulsa nito ang buy-bust money ay cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa iligal na transaksyon.

Nabatid na si Mendieta ay kabilang sa PDEA target listed drug personality at PNP regional priority target list under COPLAN DIET.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments