Binata na Lumangoy sa Ilog upang Takasan ang mga Opisyal, Nalunod; Katawan Narekober na!

2787

Cauayan City, Isabela- Narekober na ng mga otoridad ang katawan ng isang binata na nalunod sa Cagayan River noong Sabado de Gloria sa Brgy. Dalibubon, Jones, Isabela.

Sa patuloy na search and rescue operation ng otoridad, natagpuan bandang alas 6:00 ngayong umaga, April 13, 2020 sa pagitan ng bayan ng Echague at Jones ang katawan ng biktimang si Winston Victoriano, 19 taong gulang, helper at residente rin ng naturang barangay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Mervin Delos Santos, hepe ng PNP Jones, naaktuhan ng mga nagbabantay na opisyal ng barangay ang biktima kasama ang dalawa pa na sina Arvin Ualat at Tritan Tuppal na nag-iinuman sa footbridge ng Dalibubon.


Dahil dito, nilapitan sila ng mga opisyal upang huliin subalit imbes na sumuko ang mga ito ay agad na lumangoy sa ilog ang dalawang kainuman ng biktima habang naiwan naman ito sa tulay.

Pinapasuko ng mga opisyal ang biktima subalit lumangoy din ito sa ilog at napadpad sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa tuluyan na itong malunod.

Ayon pa sa Hepe, dati nang may kaso ng paglabag sa liqour ban ang biktima maging ang mga kasamahan nito.



Facebook Comments