Binata na may kasong Carnapping, Timbog sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang binata na wanted sa batas matapos mahuli ng mga otoridad dakong alang 3:00 ngayong hapon sa Brgy. Bugallon, Proper Ramon, Isabela.

Timbog sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela si Jestoni Bungan, 25 anyos, at residente ng Paracelis, Mountain Province.

Si Bungan ay nahaharap sa kasong Carnapping na may kaukulang piyansa na P200,000.00.


Isinailalim na sa medical examination ang akusado bago dinala sa court of origin nito.

Facebook Comments