Binata na may Kasong Child Abuse, Arestado!

88

*San Mateo, Isabela- *Natimbog ang isang lalaki na wanted sa batas matapos itong silbihan ng warrant of arrest sa Brgy Victoria, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Harley Para, 27 anyos, binata at residente rin ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, hinuli si Para sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng RTC Br. 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.

Dinala na sa San Mateo Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng kaniyang piyansang P200,000.00.

Facebook Comments