Binata na may kasong Child Abuse, Natimbog!

49

*Roxas, Isabela-* Huli ang isang binata na may kasong kinakaharap matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Elmer Leal, 21 anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act si Leal na may kaukulang piyansa na P200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang pagkakahuli ni Leal ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela.

Facebook Comments

From Advertisers