Binata na Nagbebenta ng Baril, Timbog sa Operasyon ng Pulisya

60

*Cauayan City, Isabela*- Agad na inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa aktong pagbebenta ng isang kalibre ng baril bandang 9:50 kaninang umaga sa Brgy. Planas, Ramon, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Dino Ajejo, 25 anyos, binata, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ramon, dinakip ang suspek matapos makatransaksyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer matapos makapagkasunduan na ibenta ng binata ang isang kalibre 38 na baril na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Narekober sa pag iingat ng suspek ang pera na ginamit na buy-bust na tatlong libong piso at apat na basyo ng bala.

Sasampahan ng kasong RA 10591 o New Firearms Law ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan.

Facebook Comments