Binata na Nambato ng Pampasaherong Bus, Arestado!

299

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata matapos mambato ng pampasaherong bus sa National Highway ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang suspek na si Junior Domingo, 19 -anyos, binata at residente ng Brgy. Roxas, Solan, Nueva Vizcaya.


Binato ng suspek ang isang Dalin Bus Line Inc. na may plakang BVR 305 na patungong Baguio City na minamaneho ni Ferdinand De Vera, 60-anyos, residente ng Ramos East, San Isidro, Isabela.

Dakong 12:10 kagabi nang mangyari ang insidente at sakto namang nagroronda si Patrolman Mark Gerome Fernandez kaya’t agad na nahuli ang suspek.

Ngayong araw ay nakatakdang sampahan ng kasong Malicious Mischief ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments