Binata na Sangkot sa Iligal na Droga, Huli sa Buy-Bust Operation

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang dalawang (2) lalaki kabilang ang isang itinuturing na high value target matapos maaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si John Reynold Pamittan, 24 anyos, estudyante at residente ng Brgy. Cataggaman Viejo, Tuguegarao City, Cagayan.

Naaresto si Pamittan matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mapagbentahan nito ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer.


Nakumpiska sa dito ang dalawang (2) piraso ng plastic sachet ng shabu at personal na kagamitan.

Samantala, dinakip ng mga awtoridad sa Brgy. Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya ang isa pang tulak ng iligal na droga na kinilalang si Arnold Datu Marcelo alyas Melchor Pangilinan, 39 anyos at residente ng Brgy. Sto. Niño, San Simon, Pampanga.

Kinumpiska sa suspek ang isang (1) piraso ng plastic sachet ng shabu at P500 na marked money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek.

Facebook Comments