Binata na sangkot sa Pagnanakaw, Timbog!

*San Guillermo, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang binata na wanted sa batas nang isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Romel Salvalion, 18 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela.

Nadakip si Salvalion sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Merliton Galia ng 2nd Judicial Region, 8th MCTC Angadanan-San Guillermo, Isabela dahil sa kasong Theft na may inilaang piyansa na P6,000.00.


Dinala na sa San Guillermo Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments