Binata na Top 1 Wanted sa kasong Carnapping, Arestado

716

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 1 Most Wanted Person Municipal level matapos madakip ng mga otoridad sa Brgy. Poblacion North, Diadi, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang akusado na si alyas Junjun, 20-anyos, binata at residente rin sa nasabing lugar.

Ipinalabas ng korte ang warrant of arrest nito na inisyu ni hukom Raul Attolba, presiding judge, RTC Br. 27 Bayombong para sa kasong RA 10883 o Carnapping.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P300,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang binata para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments