Binata na Top 3 Most Wanted sa Cauayan City, Isabela, Bagsak na sa Kulungan!

77

*Cauayan City, Isabela*- Bagsak na sa kulungan ang disi nuebe anyos na Top 3 Most Wanted sa Cauayan City matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kaninang 3:50 ng hapon sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Arnold Reyes, 19 anyos, binata at residente ng ansabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Reyes sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Panggagahasa.

Dinala na sa PNP Cauayan City si Arnold Reyes para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments