Binata na Top 7 Most Wanted Person, Arestado!

61

Benito Soliven, Isabela – Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property ang isang binata na Top 7 Most Wanted Person sa lungsod ng Ilagan matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Capellan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Eugene Apricio Larugal, disi nueve anyos at residente ng nabanggit na lugar.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng PNP Benito Soliven katuwang ng City of Ilagan Police Station si Larugal sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Alfred L. Castillo ng 6th MCTC Benito Soliven-San Mariano, San Mariano, Isabela dahil sa kasong RIR in Homicide and Damage to Property.

Nasa kustodiya na ng Benito Soliven Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito habang makakalaya lamang ito kung makakapaglagak ng kanyang piyansang tatlumpung libong piso

Facebook Comments

From Advertisers