Binata na Top 9 sa kasong Pagnanakaw, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata na Top 9 Wanted Person Municipal Level sa kasong pagnanakaw matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kahapon ng umaga sa Brgy. Lapogan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gerald Racho, 23 anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tumauini, inaresto ang binata matapos maglabas ng warrant of arrest si kagalang-galang hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela para sa nasabing kaso sa ilalim ng criminal case no. 22-4036 na may petsang June 10, 2019.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P24,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

PhotoCourtesy: PNP Tumauini

Facebook Comments