Binata na Wanted sa Batas, Huli sa Manhunt Charlie!

59

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng otoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted ng pulisya sa ikinasang ‘Manhunt Charlie’ sa Brgy. Magsaysay, Alicia, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Jayson Basilio, 20 taong gulang, binata, truck dirver at residente ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.


Nahaharap sa kasong Frustrated Homicide si Basilio na may kaukulang piyansa na Php36,000.00.

Dinala sa PNP Alicia ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments