Binata na Wanted sa Batas, Huli sa Naguilian, Isabela!

Naguilian, Isabela – Arestado ang isang binata kahapon ng umaga sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang suspek na si John Ray Tabije Pascual, bente uno anyos, binata at nakatira sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Pascual sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at kasong paglabag sa EO 297 o Used of PNP / Military Uniforms.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang marijuana, limang daang piso na ginamit bilang buy bust money, isang unit ng cellphone at isang camouflage jacket.

Dinala na sa himpilan ng PNP Naguilian ang suspek maging ang mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments