Binata na Wanted sa Batas, Natimbog!

106

San Pablo, Isabela – Arestado ang isang binata matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dose ng tanghali sa Brgy. Binguang, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jaypee Antonio Delgado, bente otso anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Pablo si Delgado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Illegal Possession of Firearm sa ilalim ng RA 10591 o An Act Providing For a Comprehensive Law On Firearms And Ammunition And Providing Penalties For Violations Thereof.

Nasa kustodiya na ng San Pablo Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Delgado kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Facebook Comments