Binata na Wanted sa Batas, Natimbog!

70

San Mateo, Isabela – Nasa kamay na ng kapulisan ang isang binata na may kinakaharap na kasong murder matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Alexander Fajardo Petines, bente anyos, walang asawa, isang laborer at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP San Mateo si Petines pasado alas dose ng tanghali sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC Cauayan City dahil sa kasong Frustrated Murder.

Nasa PNP San Mateo na ang akusado para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang dalawang daang libong piso.

Facebook Comments