Binata na Wanted sa Tumauini, Isabela, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang itinuturing na Top 10 most wanted municipal level sa Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Sandoval Mamauag, 21 anyos, binata at residente ng Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Dakong alas 8:40 ng umaga, Enero 29, 2020 nang maaresto si Mamauag sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Qualified Theft na may kaukulang piyansa na P12,000.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments