Binata, Nagbigti nang Sermonan ng Ama!

*Q**uirino**- *Hindi umano matanggap at masikmura ang pagsesermon ng ama kung kaya’t nagbigti na lamang ang isang binata pasado alas otso kagabi sa loob ng kanyang kuwarto sa P-3 Burgos, Cabarroguis, Quirino.

Nakilala ang nagpakamatay na si Kenneth Domingo, 18-anyos na residente sa naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, lagi umano itong pinapagalitan ng kanyang tatay na si Rocky at hindi na umano nakayanan sa huli ang paninermon sa naturang biktima.


Napag-alaman na ang asawa ni Rocky ay nagtratrabaho sa probinsya ng La Union kung kaya’t sa tuwing nakakainom umano ang tatay ng biktima ay pinagbubuntunan ito ng sama ng loob at galit sa asawa na wala naman umanong dahilan.

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto na nakatali ang leeg sa kisame.

Facebook Comments