Binata nagpatiwakal sa Kidapawan City

Isang binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paggamit ng electric wire dakong alas 10:00 ng umaga kahapon sa Brgy. Macebolig, sa lungsod ng Kidapawan.
Kinilala ang nagpatiwakal na si Richard Bahan Albiso, 20 anyos , binata, walang trabaho at nakatira sa nabanggit na lugar. Batay sa salaysay ng kapatid na dumulog sa kapulisan , nagpakamatay ang kanyang kapatid na si Richard sa pamamagitan ng paggamit ng electrical wire na itinali sa kisame ng kanyang kwarto.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Sinasabing mayroon ng unang pagtatangka ang biktima noon.
Dahil sa insidente ay ito na ang ikalawang kaso ng suicide incident sa Kidapawan City ngayong buwan , ang una noong Nobyembre 19 isang Disk Jockey ang nagpakamatay na nakilalang si Ryan YNion .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments