Binata, Nahaharap sa Patung-Patong na Kaso!

Cauayan City, Isabela- Patung-Patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang binata matapos na masangkot sa pagpatay at pagnanakaw sa ilang mga lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang akusado na kinilalang si Patrick Paul Barreto,18 anyos, out of school youth at residente ng Burgost St., District 2, Cauayan City, Isabela.

Una nang itinuring si Barreto bilang Top 1 Most Wanted City Level at Top 2 sa Provincial Level dahil sa kaso nitong pagpatay.


Si Barreto ay matagal nang nakakulong sa Cauayan City District Jail matapos itong mahuli sa naunang kaso na Theft o Pagnanakaw at Robbery.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Facebook Comments