Binata, nakuryente habang nagpapalipad ng saranggola

Disgrasya ang inabot ng isang residente sa Dau, Pampanga matapos sumabit sa kable ng kuryente ang pinapalipad na saranggola noong Martes ng hapon.

Ayon sa kapatid ng biktima, naisipan ng lalaki na magpalipad ng saranggola sa bubong ng kanilang bahay para kontra-bagot dulot ng umiiral na enhanced community quarantine.

Nakuryente at nahulog ito sa bubong nang subukang kunin ang saranggolang sumabit.


Kaagad naman siyang narespondehan at naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Patuloy na inoobersabahan ang biktima na nagtamo ng lapnos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kaya payo ng kaanak sa publiko, laging mag-iingat tuwing nagpapalipad ng saranggola lalo na kapag pumupuwesto sa bubungan o malapit sa live wire.

Facebook Comments